Napakasayang maging estudyante, hindi ba? Kabi-kabilang activities, mga programs, isama mo pa yung mga assignments na binibigay ng mga terror na teachers. Pero siyempre, hindi mawawala yung barkadahan, yung pagkakaroon ng mga crush, at yung pagkakataon na mainlove tayo sa nililigawan nating classmate o schoolmate.
Hindi ba’t napakasaya tuwing papasok tayo tapos malalaman natin na wala palang klase dahil may mga meeting ang mga teacher, o kaya birthday ng principal kaya nangangalat ang mga estudyante na parang bilanggo na nakatakas sa kulungan. Nandyan din yung mga nagliligawan sa gitna ng classroom, yung mga nagtatawanan tapos biglang magsusuntukan dahil nagka-asarat, at hindi din siyempre mawawala yung halos humaba ang leeg sa pangongopya sa katabi kapag exam.
“Yung may papel ka naman talaga, pero dahil tinamad kang kumuha, nanghihingi ka na lang”
Bakit nga ba ganito tayo? May sarili naman tayong papel, isang pad pa nga eh. Bili ni Mommy, isang box galing japan, oh ha? Pero bakit kapag kailangan ng papel, di man lang natin magalaw yung bag natin. Lilingon pa tayo sa katabi natin para lang humingi ng papel sa kanila.
“Mahirap labanan ang katamaran lalo’t tinatamad kang labanan ito”
Ang katamaran daw kasi ay kalaban ng kasipagan. Wala kang mararating kung hindi ka magsisipag at paiiralin mo ang katamaran. Hindi mo matutupad ang mga pangarap mo kung palagi ka lang nakahiga. Ano nga bang mangyayari sa buhay mo kung kain at tulog lang ang alam mo? Pero sabagay, nakakatamad naman kasi talagang labanan ang katamaran.
“Sa school nga wala akong papel! Sa buhay mo pa kaya?”
Oo nga naman, paano ba ako magkakaroon ng papel sa buhay mo kung sa school pa lang, wala na akong papel? Kahit kasi gaano ka ka-importante sa akin, wala din akong magagawa kasi nga wala naman akong papel sa buhay mo. Kagaya din sa school, dahil alam kong importante ito, nanghihingi ako ng papel sa iba. At alam kong hindi ko pwedeng gawin yun pagdating sa’yo.
“Ang taong nagmamahal nang tunay ay parang estudyante na kumukuha ng exam. Hindi siya titingin sa iba kahit na nahihirapan na”
Ganyan kasi kaming mga matitinong estudyante eh, kahit alam namin na kayang-kaya naming mangopya sa katabi, nag-eeffort kami para masabi namin na hindi kami nandayakaya kami pumasa. Ganyan din pag seryoso ang nagmamahal, mag-eeffort siya ng todo para sa mahal niya at hindi na siya titingin sa iba dahil para sa kanya, sapat na ang isa.
“Yung kaklase mong lakas mangopya, tapos pag di mo pinakakopya lakas din ng loob magalit, siya na nga nakikisuyo”
Hindi nawawala sa mga nagiging kaklase natin yung mga taong akala mo kung sinong magaling, yung napaka-importante ng tingin sa sarili niya. yung ang lakas-lakas mangopya, halos lahat na lang ng sagot natin, sinusulat niya sa papel niya kapag naman hindi mo pinakopya, siya pa ang magagalit sa’yo. Dapat siya pa ang mahiya, kapal ng mukha niya, siya na nga ang binibigyan, siya pa ang galit.
“Pumasok para sa kinabukasan, hindi para makita si Crush. Landi neto.”
Oo nga naman, pumasok ka para makapag-aral ka ng mabuti, hindi yung papasok ka lang para makita yung crush mo, puro bagsak naman ang grades. Wag ganun, dapat intindihin mo yung magiging future mo. Saka mo na isipin yang crush crush na yan. Saka isipin mo, kapag maganda ang naipakita mo sa grades mo, malay mo, si crush pa mismo ang lumapit sayo.
“Yung pagpapasok ka mukha kang prinsesa, paguwi mo mukha ka ng mangkukulam”
Gusto kasi natin, presentable tayo pagpasok ng school, kaya dapat may pulbo, may make-up, at naka-ayos ang buhok. Baka kasi makasalubong natin si crush kaya dapat maganda tayo sa paningin niya. Hindi naman natin alam na halimaw pala ang mga teachers natin pagdating sa mga activities, ayan tuloy, ngarag. Daig mo pa ang nanganak ng lima paglabas mo ng gate. Losyang na losyang ‘teh.
“Ang tunay na estudyante: Madaldal sa discussion, Tahimik sa recitation”
Ganoon talaga, masarap kasi kakwentuhan ang mga barkada natin lalo na habang nagsasalita ang teacher. Hindi kasi natin maintindihan minsan ang pinapaliwanag ng teacher kaya mas nakikinig tayo sa kinukwento ng barkada natin. Kaya once na dumating ang recitation, ayon, nganga tayo. Wala tayong naintindihan sa diniscuss.
“Yung kaklase mong lakas mangopya, tapos pag di mo pinakakopya lakas din ng loob magalit, siya na nga nakikisuyo.”
Hindi nawawala sa mga nagiging kaklase natin yung mga taong akala mo kung sinong magaling, yung napaka-importante ng tingin sa sarili niya. yung ang lakas-lakas mangopya, halos lahat na lang ng sagot natin, sinusulat niya sa papel niya kapag naman hindi mo pinakopya, siya pa ang magagalit sa’yo. Dapat siya pa ang mahiya, kapal ng mukha niya, siya na nga ang binibigyan, siya pa ang galit.
“LAWAY Ang pinakamabisang panghati ng papel. Diba po?”
Elementary lang, hahahaha. Wala eh, mahirap kasing guntingin ang papel lalo na kung nagmamadali si Ma’am. Pero aminin, nilalawayan talaga natin ang papel para maayos ang pagkakahati natin dito at hindi mapunit sa gitna. And I’m willing to bet na lahat tayo ay nagawa na ito, kahit ikaw pa ang pinakamaganda at pinakaguwapo sa school ninyo.
Maraming salamat sa inyong pagtangkilik sa aming Blogs! Sana ay patuloy nyo paring suportahan ang aming bawat post! Gusto nyo pa ba ng maraming Quotes and Sayings na tiyak na makukuha ang inyong panglasa? Laging bumisita sa aming Site para sa mas maraming magagandang Quotes and Sayings! And Don’t forget to Visit Us On Facebook mrbolero.com
The post Mga Quotes, Sayings and Hugot ng Buhay Estudyante appeared first on Mr. Bolero Quotes Collections.