“Masayang Maging Single”
Lahat tayo ay nagkakaiba ng paliwanag at pagpapakahulugan sa salitang kaligayahan at sa kung ano ang ibig nitong sabihin para sa atin. Anumang hamon, balakid, at pabagu-bagong lifestyle ang harapin natin sa buhay, at the end of the day, ang pinakamahalaga pa din ay yung kaligayahan natin.
Ang pagiging single anuman ang edad ay nagiging napakalaking hamon sa panahon natin ngayon kung saan binibigyan ng napalaking importansya ang paghahanap ng taong mamahalin. Para bang ang buong mundo ay isang robot na nakaprogram na, para suportahan ka sa paghahanap mo. Pero napaka-kaunti ng suportang ibinibigay para doon sa mga tao na mas ninais na sila mismo ang pumili sa mga taong gusto nilang makasama, pinag-aaralang i-enjoy ang company ng isa’t isa at ang nalilikha nitong spark sa pagitan nilang dalawa.
Para bang may nasesense silang pagkukulang o kaya ay mayroong pagkakamali sa mga taong walang ka-relasyon, na kung iisipin ay talaga namang nakakatawa, lalo na at parami ng parami ang mga taong na-rerealize na ang partnership na nabubuo nila nung kabataan nila ay nabigong ipasa ang mga pagsubok ng panahon, at sila ngayon mismo ay namumuhay ng mag-isa.
Ilan lang ito sa mga rules na pwede mong i-try kung Single ka pero gusto mong maging masaya. Pwede itong makapagbigay ng malaking pakinabang sa buhay mo kung gagawin mo ‘to.
Hindi naman kinakailangan na para sa isang romantic na dahilan, para lang dumami pa ang mga taong susuporta sa’yo. Kung sinasadya mong lumayo sa mga relationship pansamantala, kakailanganin mo pa rin ng mga tao para makasama sa buhay mo. Ang pianakamahalaga ay ang pakikipag-kaibigan. Paano na tayo kung wala ang mga kaibigan natin? Siguradong mag-iisa talaga tayo.
Wala kang kaibigan? Pala-kaibigan ka ba? Nag-bibigay ka ba ng effort na mag-hello man lang at makipagkilala sa ibang tao? Siguro kailangan mo ng tulong para matalo ang pagmahiyain mo. Pangatawanan mo kung sino ang mga taong naa-attract mo sa buhay mo at gumawa ka ng mga kailangang pagbabago para makapag-attract ka ng mga kaibigang totoo.
“LUMABAS KA SA COMFORT ZONE MO”
Magplano kang pumunta sa isang bagong lugar o gumawa ng isang bagay na kakaiba linggo-linggo. Huwag mo ng intayin na may tao na sa buhay mo na susundan ka at ang mga pangarap mo. Gawin mo na ngayon pa lang. mas may chance ka na makilala ang ang taong para sa’yo if you’re living your life to the fullest. At kahit ayaw mo pang may makilalang ibang tao, magiging masaya ka pa rin sa pagsunod ng gusto ng puso mo.
Maaaring magdulot ng maganda ang pag-iisa, pwede ka nitong dalhin sa mas malawak na kaisipan at magkaroon ng mas malaking personal na pag-unlad. Dito sa “space” na ito na tinatawag mong iyo, maaari mong makilala at mahalin ang sarili mo bilang ibang tao.
Isang tao na hindi umaasa sa iba na ang katauhan nila ay hindi nahuhumaling o nagiging pasaway sa paghahanap ng aliw, ginhawa, at kaluguran galing sa ibang tao. Matuto kang makahanap ng kasiyahan para sa sarili mo,at kasama ang sarili mo – basta d’yan ka lang mag-isa, kalmado, cool at panatag kasama ang taong mahal mo: ang sarili mo.
“PASALAMATAN MO KUNG ANONG MAYROON KA”
Bago ka matulog sa gabi, pag-isipan mong mabuti kung anu-ano ang mga dapat mong pasalamatan sa buhay mo. Kahit sobrang liit na bagay ay maaaring makatulong para magkaroon ka ng pasasalamat. At kung talagang gusto mo, maaari kang magsulat ng journal tungkol sa lahat ng bagay na pinapasalamatan mo at panoorin mong humaba ang listahan mo habang mas dumadami pa ang mga bagay na dapat mong pasalamatan.
“MAG-GYM”
Napakagandang paraan para makilala mo ulit ang sarili mo. Mag-umpisa ka sa muling pakikipag-ugnayan sa katawan mo. Ito lang ang nag-iisang mayroon ka sa buhay na ito at minsan, mas iniingatan pa natin ang mga sasakyan natin (na pwede nating palitan) kaysa sa katawan natin. Ang pagiging single ang pinaka-perfect na pagkakataon para ibalik sa dati ang katawan mo at ang mga endorphins na nare-release kapag nagwo-work out ka can keep your spirits flying high.
“BUHAYIN MO ANG PAGIGING CREATIVE MO”
Lahat tayo ay may kakayahang gumawa ng isang dakilang bagay. Siguro nakalimutan mo pang-samantala ang kailangan mong gawin kung bakit ka nandito, pero kung maglalaan ka ng oras para sa sarili mo maaari mong maalala ang pagiging malikhain mo. Hindi ba napakagandang pagkakataon na maglaro tuwing nag-iisa ka. Kaya naman ilabas mo na ang mga lapis mo, pintura, designs at pakawalan mo ang sarili mo.
“I-FOCUS MO ANG ATENSYON MO SA MGA INIISIP MO”
Saan ba naka-focus ang atensyon mo? Anong kaisipan ba ang mas nangingibabaw sa iyo? Gamitin mo ang pagkakataong ito para maging malaman mo ng mas mabuti ang mga bagay na pumapasok sa isip mo. Obserbahan mo, burahin at i-rewrite, at maglaan ka ng ilang linggo para palitan ang mga negatibong bagay na naiisip mo.
“MATUTO KANG MAG-RELAX”
Hindi naman pang habang-buhay ang pagiging single eh. Ang pinakamalala mo lang naman na magagawa ay yung mag-panic ka at isiping kailangan mo ng makahanap ng partner kaagad o katapusan na ng buhay mo. Ang pagiging desperate ang isa sa pinaka-pangit isama sa mga bagong relasyon mo, sa iyong sarili man o kung may bago kang karelasyon. Gagawin ka nitong bulag sa mga red flags na napakadaling makita at pwede ka nitong ilagay sa mga alanganing sitwasyon.
Maging masaya ka dahil nabigyan ka ng pagkakataon na mas kilalanin pa ang sarili mo. View it like this: kung hindi ka komportableng mag-spend ng time para sa sarili mo, paano mo naisip na magiging komportable ang ibang tao na mag-spend ng oras kasama ka?
Nagiging mabigat na hamon para sa isang tao na nasanay ng laging may kasama kapag na-discover nila na hindi pa pala talaga nila kilala o hindi pala nila gusto kung sino sila. ang pagkakaroon ng relasyon sa sarili mo ay katulad din ng pagkakaroon ng relasyon sa ibang tao: kailangan mong maging supportive, maalaga, maunawain, at kailangan mong matutong makinig at makipag-usap sa sarili mo. Minsan, ang tanging paraan lang para makinig ka sa sarili mo ay pwersahin ang sarili mo na magkaroon ng “time alone.”
“PANATILIHIN ANG PAGIGING MALINIS AT MATINO”
Kalimutan mo na yung uuwi ka ng bahay o maglalagi ka sa bahay na lasing, may tama o disconnected sa mundo – hindi yan magandang recipe para sa isang successful relationship sa sarili mo o sa ibang tao. Isa itong nakakahulas na karanasan pero magtiwala ka, sisibol sayo ito kung bibigyan mo ng pagkakataon.
Bakit hindi gamitin ang oras na nag-iisa ka para makuha ang kailangan mong tulong at suporta para labanan ang mga bisyo moonce and for all? Kung hindi mo ito kayang gawin para sa sarili mo, hindi mo din ito kayang gawin para sa ibang tao.
“BIGYAN MO NG PAGKAKATAON ANG SARILI MO”
Ang pagiging masaya kahit mag-isa ay hindi nangyayari kaagad-agad, lalo na kung isa kang codependent na nagrerecover pa lang. May mga pagkakataon na mararamdaman mong para kang isang invisible, na wala ng magmamahal sa’yo, na sinasayang mo ang buhay mo, at kung anu-ano pang negative self-talk. Ang pinakamaganda mong gawin ay maglalakad-lakad o makipag-date ka na lang.
Matuto kang aliwin ang sarili mo. Habang gumaganda ang pakikitungo mo sa sarili mo, magiging maganda din ang pakikitungo mo sa mga magiging karelasyon mo. Para sa iba, sobrang hirap ibigay sa sarili natin ang mga bagay na kailangan natin. Isa ka ba sa mga taong magluluto ng nakangiti sa tuwing may bibisita sa inyo pero kung ikaw lang mag-isa, ayos na basta may tinapay at palaman sa tabi mo? Pagsikapan mong ipag-luto ang sarili mo. Seriously, isa ito sa mga pinaka self-loving things na pwede mong gawin para sa sarili mo.
“MAG-ARAL KA NG ISANG BAGONG BAGAY”
Napaka-perfect ng oras na ito sa buihay mo para pumasok sa isang night school o mag-aral ka online o kaya naman ay gumawa ka ng panibagong career track. Alamin mo kung anong bagay ang pinakagusto mo and go for it. Walang ibang makakapigil sa’yo maliban sa sarili mo.
Hindi ka ba sigurado sa kung anong gusto mo? Maglaan ka pa ng mas maraming oras sa sarili mo. Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo na makikinig sa sinasabi ng puso mo. Maaari kang mag-gugol ng mahabang oras para dito at kailangan mong maging matiyaga sa sarili mo.
Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa aming BlogSite! Ugaliing araw araw kayong bumisita dito para sa mga bago at pinakamagagandang Quotes and Sayings! Please Like and Share! Thanks!
The post Masayang Maging Single – Walang Problema at Walang Sakit :) appeared first on Mr. Bolero Quotes Collections.