Pahalagahan mo ang laging nandiyan sa tabi mo sa tuwing walang –wala ka na dahil hindi habang buhay andyan sila para umalalay sayo.
Salamat
Ina’y, nanay, mama,
sila ang tunay na nagbigay liwanag,
sa buhay na walang hinangad,
mapabuti ka lamang,
pinalaki na walang pag-aalinlangan
paghihirap na iyong pinagdaanan
ako ay patuloy pa rin nagpapasalamat
mahal kita aking ina
hindi man masabi ng deritsa
pinapadama ko naman ng sobrang-sobra
Nagdaan ang mga araw at buwan
ikaw ay aking napabayaan
dahil sa aking pag-aaral
pero hindi ko inaasahan
May iniinda ka na pa lang karamdaman
Natakot man sa iyong kalagayan
Patuloy pa rin tayong lumalaban
Kahit ako ay nahihirapan
Bakit ba ito sa atin nanyayari
Hindi ko na mapigilan ang sarili
Sisihin sa mga nangyayari
Nagbabakasakali
Maibabalik pa ba ang dati?
Lumipas ang mga panahon
Ako ay hindi mo nahintay
Mga pasalubong ko’y wala na rin saysay
Sa harap mo ako naglumpasay
Gumising kana diyan
Wag mo akong basta iwan nalang
Hindi ko pa kaya
Aking ina
Bumalik sa aking ala-ala
Mga payo mo na hindi ko noon inalala
Mga sandaling tayo ay magkasama
Nakangiti na parang walang pinoproblema
Salamat sayo aking mama
Hinubog mo ako sa mundong wala
Ng makakasama
The post Aking Ina appeared first on Mr. Bolero Quotes Collections.