Naranasan mo na bang may nag-aalaga sayo yung tipong na sayo lahat ng atensyon, yung walang sawang mag-paalala at iparamdam sayo kung gaano ka ka-espesyal yung tipong magsisimula lang sa “kamusta ka na?”, “kumain ka na ba?”, “ano nang ginagawa mo?”, “ingat ka palagi”, at “alagaan mo ang sarili mo”. Mga alaala na lang kapag nawala na yung taong sinanay ka sa ganoong paraan.
Ikaw yung bumuo at nagparamdam sakin lahat ng ito. pero ikaw rin pala ang magiging dahilan ng pagkabasag at sakit na meron ako ngayon. Dadating yung panahon na makakalimutan ko rin lahat ng sakit na meron ako ngayon pero lahat ng iyon ay nakatatak na sakin at hinding hindi na maibabalik ang mga alaalang natapos at nawala na dahil hanggang doon nalang talaga.
Maaring mawala sa isip mo ang mga alaala na meron ka pero sa puso mo ito ay nakatatak na! For more blogs, mrbolero.com! Enjoy reading!
The post Ala-ala nalang appeared first on Mr. Bolero Quotes Collections.