Ang buhay mananayaw ay hindi madali lalo na kung nasa puso talaga ng isang tao ang pagsasayaw. Madaming hirap, gutom, uhaw, pawis, pagod at puyat ang kanilang nilalaan para lang matupad ang kanilang mga pangarap. May mga ilan na itinatakwil na ng kanilang mga magulang dahil mas inuuna pa ang pagsasayaw pero sana maintindihan ng mga tao na ang pagsasayaw ay hindi isang hilig, ang pagsasayaw para samin ay buhay. Kaya kami sumamasayaw kasi gusto naming bigyang buhay at kulay ang aming buhay.
- Ang tunay na mananayaw, hindi alintana ang sama ng panahon makasayaw lang.
Madaming grupo ng mananayaw ang walang sariling dance studio kaya karamihan sa kanila ay sa kalye kalye lang o kung saan lang may space nagiinsayo. Tinitiis nila ang matinding sikat ng araw at kahit bumuhos ang malakas na ulan ay hindi sila natitinag, kasi importante sa kanila na matapos ang kanilang dance routine kesa maginarte sa panahon.
- Magmahal ka ng Mananayaw, sila kasi yung kahit pagod na hindi pa din umaayaw.
Masarap mahalin ang isang Mananayaw, sila kasi yung kahit pagod na pagod na sa practice, hindi sila sumusuko hanggang di nila napeperfect yung routine, parang sa pagmamahal, hindi sila sumusuko sa kabila ng lahat ng problema at pagsubok na dumadating sa isang relasyon.
- Every Dancer, needs a supportive Partner.
Kelangan ng bawat mananayaw ng isang taong parating nandyan para suportahan ka sa pagsasayaw mo. Yung tipong handang maghintay hanggang matapos yung practice nyo, yung tipong pupunasan yung pawis mo, yung tipong iintindihin ka dahil pagod ka sa practice at yung tipong dika iiwan sa kabila ng madami nyong pagkatalo. Kelangan nila ng taong magpapalakas ng loob nila sa panahong down at talong talo sila. Lahat ng mananayaw dapat may inspirasyon sa buhay kasi mas masarap sumayaw kung alam mong may mga taong handa kang suportahan at damayan sa bawat sayaw mo.
- Sumasayaw na may kasamang pagpupuri at pasasalamat sa Panginoon.
Importante sa lahat na papurihan at pasalamatan ang ating Panginoon sa lahat ng ginagawa natin kasi sya yung nagbigay at may dahilan kung anong meron ka ngayon. Pasalamatan natin sya dahil binigyan nya tayo ng talento at ialay natin sa kanya bawat indak natin sa intablado. Humingi ng kapatawaran sa bawat kasalanang ating nagagawa at wag kalimutang magdasal.
- Ang tunay na talento ay wala sa edad, nasa abilidad.
Hindi hadlang ang edad sa pagpapamalas ng talento bagkus ito ay nagiging inspirasyon sa maraming kabataan ngayon. Mas namamangha sila kapag nakakakita sila ng matatandang di parin tumitigil sa pagpapakita ng kanilang talento. Kung ang iyong talento ay nasa puso mo talaga, katawan mo nalang ang makakapagpatigil sayo ngunit hindi ang pusong mahal na mahal mong gawin ang iyong talento.
The post Bolerong Mananayaw Qoutes 2019 appeared first on Mr. Bolero Quotes Collections.