Everyones’ safety is what we all want. During calamities we must know the right way to deal with it to stay secured and safe. That’s why we collected the best tips on what we should do before, during and after a typhoon.
The PNP gave 14 safety tips during and after a typhoon for the public.
- Do not panic, remain calm.
Maging kalmado at huwag lalabas ng bahay kung hindi kinakailangan.
- Pack foods that don’t need cooking.
Mag handa ng mga pagkaing hindi na kailangang lutuin o madaling lutuin tulad ng mga canned goods (sardinas) at mga noodles.
- Keep flashlights, candles and battery-powered radios within reach.
Ang mga flashlight, mga damit, pera, pagkain tulad ng canned goods, batteries, pito, radio at mga gamot ay ilagay sa lugar na madaling hagilapin upang pag kinailangang mag evacuate ay madali na itong madadala.
- Secure domesticated animals in a safe place.
Ilagay sa ligtas na lugar ang mga hayop tulad ng aso at alagang baboy.
kung kinakailangan, upang hindi ito masira ng malakas na hangin at flash flood.
- Stay inside the house and keep updates with the latest weather forecast.
Hanggat maaari ay manatili sa loob ng bahay, tandaan na kaya ng malakas na bagyo tangayin ang yero, at iba pang matigas na bagay. Makinig sa radyo upang malaman ang taya ng panahon, flood alert, at kung saan ang pinakamalapit na evacuation center. Gamitin naman ang cellphone kung kailangan mo ng tulong sa paglikas, lalo na kung stranded ka sa loob ng iyong tahanan.
- Bring clothes, first-aid kit, candles/flashlights, battery-operated radios, food, etc. during evacuation.
Siguraduhing mayroong emergency at first aid kits na dala patungong evacuation center. Wag kalimutang isama rito ang flashlight, mga damit, pera, pagkain tulad ng canned goods, batteries, pito, radio at mga gamot tulad ng gamot sa lagnat at pagtatae.
- Examine your houses and repair unstable parts as much as possible.
Siguraduhing maganda ang kondisyon ng mga haligi, bubong, dingding, bintana, at iba pang bahagi ng bahay. Palakasin ang pundasyon ng iyong tirahan kung kinakailangan, upang hindi ito masira ng malakas na hangin at flash flood.
- If safe drinking water is NOT available, boil water for at least 20 minutes, then place it in a container with cover.
Bago inumin ang naimbak na tubig, pakuluan muna ito nang hindi bababa ng 20 minuto upang makasigurado sa kalinisan nito.
- Keep an eye on lighted gas lamps.
Bantayan ang mga gasera at kandila upang makaiwas sa sunog o ano mang aksidente na maaring idulot ng apoy
- Do not use gas or electrical appliances that were submerged during flood.
Huwag gagamit ng mga gas at kagamitang de-kuryente kung ito ay nabasa.
- Stay away from low-lying beaches or other locations which may be swept away by tides or waves.
Lumayo sa mga dagat o iba pang lokasyon na maaaring abutin ng malalaking alon.
- Check everything that may be blown away or turn loose. Flying objects are dangerous during typhoons.
Patibayin ang mga bahagi ng bahay na maaaring madala ng malakis na hangin tulad ng mga yero at putulan ng sanga ang mga puno na malapit sa bahay.
- Do not wade through flood waters to avoid electrocution and water-borne diseases.
Iwasan ang paglusong sa baha, maliban na lamang kung kailangang lumikas, upang maibsan ang panganib ng pagkakuryente, sakit tulad ng leptospirosis, pagkalunod, at pagkahulog sa mga open manhole. Kung hindi maiwasan ang paglusong sa tubig baha, balutin ang mga sugat at magsuot ng damit na taktakpan ang mga ito nang husto.
- Be calm when going to an evacuation center. Close all windows and turn off main power switch before leaving home. Put important appliances and belongings on a high ground. Avoid roads leading to the river and areas prone to land-slide.
Tumungo sa mga itinalagang evacuation centers kung kinakailangan, isarado ang mga bintana at main switch sa bahay bago umalis, ilagay sa mataas na lugar ang mga mahahalagang bagay tulad ng appliances upang hindi ito maabot ng baha.
After typhoon:
- Be sure that the house/ building is safe and stable before you enter.
Siguraduhing ligtas at maayos ang inyong tahanan bago ito pasukin, i-check ang mga haligi at bubong ng bahay, tingnan rin kung walang mga bubog at yero na maaaring makaaksidente.
- Beware of poisonous animals like snakes that may have entered your house.
Siguraduhing walang mga nakalalasong hayop ang nakapasok sa bahay tulad ng mga ahas na maaaring nadala ng tubig baha.
- Watch out for live wires or outlet immersed in water and report damaged electrical cables and fallen electric posts to authorities.
Mag-ingat sa mga live wires at saksakan na maaaring nalubog sa baha upang makaiwas sa pagkakuryente, ireport sa opisina ang mga poste at kable ng kuryente na nasira upang hindi makaaksidente.
Source:
The post Tips on how to stay safe before, during and after a typhoon appeared first on Mr. Bolero Quotes Collections.