Hindi maiiwasan sa buhay na makaencounter tayo ng mga mambobola. Mayroong ibang tao na hindi nila alam na nabobola na pala sila. Masakit sa huli na malalaman mong hindi pala siya totoo sa mga sinabi niya. Kinausap ka lang niya kasi may kailangan siyang iba. Ito ay ilan sa mga uri ng pambobola na pwede mong mapansin sa mga nakakasalamuha at makakasalamuha mo sa pangaraw-araw mong pamumuhay.
“Bola Alert : Naglalambing namang dahilan.”
Kabahan ka na kung bigala na lamang naglambing sa iyo ang isang taong hindi naman palaging ganun. Sa kabila ng mga mabubulaklak niyang salita na mabilis kang mabobola mayroon siyang matinding pangangailangan na makukuha niya sa iyo. Bola ba kamo? Nambobola lang yan kaya nilalambing ka niyan.
“Bola Alert : Pagpansin sa lahat ng magandang bagay tungkol sa’yo.”
Alam naman natin sa sarili natin ang mga bagay na meron tayo. Siguro may nakikita ang iba na hindi natin nakikita pero maunti lamang ito. Kailangan bang pansinin niya lahat at palagi ang mga bagay na maganda at bago sa iyo? Magpasalamat ka dahil naaappreciate nila ang mga bagay na nasa iyo ngunit kapag sumusobra na hindi na appreciate ito kundi bola, bola na.
“Bola Alert : Magkukwento at magpapaawa.”
Mayroong mga kwentuhan na bigla na lamang lalayo dahil may gustong idagdag na kwentong kailangan niyang sabihin dahil may kailangan siyang sabihin o hingin. Magkukwento na ng kung ano-ano tungkol sa buhay niya at magpapaawa para mabola ka at makahingi ng kailangan niyang bagay na nasa iyo. Mambobola rin talaga minsan ang mga palakwento dahil kaya nilang kontrolin minsan ang emosyon at pagdedesisyon mo. Kaya ingat sa mga katulad nila.
“Bola Alert : Papatawanin ka ng madalas na hindi naman niya kalimitang ginagawa.”
Masaya ang buong araw kapag may kasama kang kaibigan na lagi kang papatawanin. Magulat ka kung yung kaibigan mong hindi ka naman pinapatawa ay bigla ka na lamang palaging pinapansin at pinapatawa. May kailangan yan at iyon ang paraan nila para mabola ka. Mayroon silang planong ginawa para mabola ka nila at makuha nila ang kailangan nilang atensyon at bagay na nasa iyo.
“Bola Alert : Maraming sasabihing bagay na wala siya at meron ka.”
Minsan sa buhay mo ay may makakasalamuha kang tao na palagi na lamang sasabihin sa iyo ang mga bagay na meron ka at wala sila. Binobola ka nila ng dahan-dahan dahil gusto nilang magkaroon rin sila ng bagay na meron ka at wala sila. Kinukuha nila ang atensyon mo para mapansin mo ang mga bagay na wala sila at tuluyan mong ibigay ito sa kanila.
Thank you for reading. Please Like and Share for more.
The post 5 Uri ng Pambobola appeared first on Mr. Bolero Quotes Collections.