“Iba’t ibang uri ng studiyante: Ngayong Pasukan!”
Halaw mula sa ABNKKBSNPLAko?! Mga Kuwentong Chalk ni Bob Ong
Hindi ko po inaangkin ang pagsulat nito. This is an article na nahagip lang ng aking mga mata, kaya pasalamat tayo sa author nito. THANKS AUTHOR!!! ?
Well, bilang simula, alam natin na sa bawat classroom ay maroong iba’t ibang uri ng estudyante. Siguro nga minsan, naaasar na sa atin ang mga teachers natin kasi ang gugulo natin, hindi kasi natin iniisip kung ano ba yung nararamdaman ni Ma’am kapag nasa classroom siya. Biruin mo, mag-isa lang siya tapos ang dami nating estudyante niya. Pero sa halip na makinig tayo at magpasalamat sa kanya dahil sa paglalaan niya ng oras para sa atin, kung anu – anong kalokohan pa ang ginagawa natin habang nagtuturo siya.
Kaya naman, let us take this chance para magpasalamat sa ating mga guro na siyang tumatayo bilang pangalawang magulang natin sa loob ng paaralan. Maraming Salamat po mga Ma’am, mga Sir, kung hindi po dahil sa inyo baka wala kaming matutunan sa paaralan at pagdating ng araw, ay baka mapasama kami sa mga nakatira sa lansangan. Salamat po sa paglalaan ninyo ng oras sa amin.
Umpisahan natin:
“GUINNESS”
“Mga record holders pagdating sa persistence. Pilit pinupunan ng kasipagan ang kakulangan ng katalinuhan. Sila ang kadalasang nagtatagumpay sa buhay. Masinop sa projects, aktibo sa recitation. Paulit-ulit at madalas magtaas ng kamay kahit na mali ang sagot.”
“GEEKS”
“Mga walang pakialam sa mundo, libro-teacher-blackboard lang ang iniintindi. Kahit na mainit ang ulo at badtrip ang teacher, ang mga geeks ang walang takot na lumalapit sa kanila para lang itanong kung mag-iiba ang resulta ng equation kung isa-substitute ‘yung value ng X sa Y.”
“HOLLOW MAN”
“Ang type A ay mga estudyanteng madalas invisible, bakante ang upuan, madalas absent. HOLLOW MAN Type B naman ang mga mag-aaral na bagama’t present e invisible naman madalas ang sagot sa mga quiz, hollow ang utak.”
“ANAK NI RIZAL”
“Ang endangered species sa eskwelahan. Straight ‘A’ students, pero well rounded at hindi geeks. Teacher’s pet, pero hindi sipsip. Hari ng Math, Science, at English, pero may oras pa rin sa konting extra-curricular activities at gimmicks.”
“SPICEGIRLS/ SG”
“Barkadahan ng mga kababaihang mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late na pumapasok ng room pagkatapos ng recess at lunch break. Madalas na may hawak na suklay, brush at songhits. Pag pinagawa mo ng grupo ang isang klase, laging magkakasama sa iisang grupo ang SG.”
“DAGWAPINGS/ DG”
“Ang male counterpart ng SG, isinilang sa mundo para magpa-cute. Konti lang ang miyembro nito, mga dalawa hanggang apat lang, para mas pansin ang bawat isa. Tulad ng SG, kadalasang puro hair gel lang ang laman ng mga utak ng mga DG.”
“CELEBRITIES”
“Performers naman ang mga estudyanteng kaya lang yata pumapasok sa eskwela e para makasayaw, makakanta, at makatula sa stage sa tuwing Linggo ng Wika. Sa pangkalahatan, ang mga celebreties ay may matinding PR, pero mababang IQ.”
“LEATHER GOODS”
“Mga estudyanteng may maling uri ng determinasyon. Laging determinado ang mga ito sa harapang pangongopya, bulgarang pandaraya, at palagiang pagpapalapad ng papel sa teacher. Talo ang balat ng buwaya sa pakapalan.”
“WEIRDOS”
“Mga problematic students, misunderstood daw, kadalasang tinatawag na black sheep ng klase. May kanya-kanya silang katangian. Konti ang kaibigan, madalas mapaaway, mababa ang grades, at teacher’s enemy.”
“CLOWN”
“Ang official kenkoy ng klase. May mga one-liner na gumigising sa lahat kapag nagkakaantukan na. Sabi ng mga teacher, eto raw ‘yung mga KSP sa klase na dahil hindi naman matalino e idinadaan nalang sa patawa ang pagpapapansin. Pero aaminin ko, walang klaseng walang ganito, at kung mayroon man, magiging matinding sakripisyo ang pagpasok sa eskwela araw-araw.”
“BOB ONGS”
“Mga medyo matino na medyo may sayad. Eto ‘yung estudyanteng habang nagle-lecture‘yung teacher e pinaplano na ‘yung librong ipa-publish nya tungkol sa mga classmates n’ya.”
“COMMONERS”
“Mga generic na miyembro ng klase. Kulang sa individuality at katangiang umuukit sa isipan. Hindi sila kagad napapansin ng teacher pag absent, at sa paglipas ng panahon, sila ang mga taong unang nakakalimutan ng mga teachers at classmates nila. Posibleng may mga estudyante na ang katangian ay kumbinasyon ng mga nabanggit. Posible ring hindi lahat ng uri ngestudyante ay makikita sa iisang klase lang.”
Dahil malapit na ang pasukan marami nanamang kalokohan ang mga estudiyante. Kaya maghahatid kami sa inyong muli ng nakakatawa pero totoong mga kwento sa kabila ng pagiging estudiyante Please Like Us on Facebook Mr.Bolero.com Thanks!
The post Iba’t ibang uri ng studiyante: Ngayong Pasukan! appeared first on Mr. Bolero Quotes Collections.