May nagtext sakin
HI! Are u the one doing www.mrbolero.com?”
reply ko
Yes may problema po ba?
and reply niya
” Kris Aquino wants to feature u in their show.I will give this number to the executive producer. By the way im Ley Reinares”.
Medjo nagulat ako at nung una hindi ako naniwala. then she sent the Screenshot of the Status in Instagram. Then I search for instagram link and profile ni Ms. Kris Aquino para ma verify ko. Honestly d ko na tanda Instagram account ko kaya nag forget password ako para mabalik ko ulit ang instagram account ko.. Nagulat ako sa Instagram sinabi ni Ms. Kris.
There’s this website mrbolero.com, whoever runs the site, please message me? We want to have you as a resource person on @kristvofficial_ig for a future musical episode? ????????????
Link : http://instagram.com/p/pDBEWKyEk2/
And syempre sino ba naman ang hindi matutuwa dba? na inspired ako.
Yung Image kasi ginawa ng asawa ko sa MUZZY image editor kasi maganda yung quotes and I love it also..
then tumingin pa ako ng ibang post niya sunod dun yung isang quotes na ginawa ko last 2 years i think. Tanda ko kasi pula and I make it na may shadow kaso wala ako nilagay na website kasi natandaaan ako na copy ko lang to sa isang movie. Pero nakakatuwa kasi nagustuhan niya yung Quotes and Message siguro.
Napaisip ako bakit nagpopost si Ms. kris Aquino ng Medjo Emo or Madamdaming Status?
Broken heart ba si Ms. Kris Aquino ?
nabasa ko sa isang post niya :
“Thank you for genuinely caring about me… Back to work tomorrow & back on IG once I’m sure that my broken heart is healed. Nahihiya lang akong mag pretend pa to be okay when I still have a long way to go,” she stated. “I owe you & I owe myself this HONESTY,” Kris added a message on Instagram.
May mga nabasa din ako sa News at mapapansin mo sa mga post niya sa Instagram :
“I’m sorry for needing this time for myself, I’m sorry@darlasauler that I just didn’t have the strength to make your birthday a festive day. Although super DAMI naman yung kinain mong alimango dito sa house from @eriksantos (triple rice diba?),” she wrote.
“Thanks @alvingagui @jasminip &@rey_lanada for checking on me. Thank you for genuinely caring about me… Back to work tomorrow & back on IG once I’m sure that my broken heart is healed.
“Nahihiya lang akong (I am just embarrassed) mag pretend pa to be okay when I still have a long way to go,” the caption read
Kilala ko si Ms. Kris Aquino Bilang artista na lagi natin nakikita sa TV, sa Movie at mga commercial. Lagi din natin siya nababalitan tungkol sa mga past relationship niya at lovelife – Masaya man o malungkot.
Sabi nga niya sa isang interview :
Masyado akong vocal about things so sana I’ll learn to control my mouth. As my mom says na sana mag-tone down ako in that aspect.
Nagustuhan ko ang pagiging totoo niya ang pagiging siya walang keme walang kaplastican, mababasa mo naman sa isang tao kung nagsasabi ng totoo o hindi, Vocal siya at dun niya nilalabas ang emosyon niya sa pagsabi nito na sakin pananaw nakakatulong sa kanya para mabawasan kung anu man yung sakit nanararamdaman niya.. Kung masaya man siya nasasabi niya yun para maka motivate siya sa iba. Hindi ko sinasabi kilala ko si Ms. kris pero sa mga napapanood ko at naririnig ko yun ang pananaw ko, lahat tayo may sarili opinyon sa isang bagay o tao, may mga gusto at lalong madaming hindi gusto. madaming magagalit, pero sa huli TAO din siya katulad natin, may emosyon, pakiramdam, at nasasaktan. Yung mga nararanasan natin mainlove, masaktan, bumangon, at na broken heart ganun din siya kaya nga tao dba. Madami nga ako napapansin at nababasa masasama kay Ms. Kris, Siya daw ay maarte magsalita, maarte kumilos madali mainlove at kung anu anu pa. sabi ko nga Tao siya at pinapakita niya kung anu siya, at syempre bakit may nagkakagusto sa kanya kasi totoo siya. Minsan Hindi natin pwede ipilit baguhin kung anu ang isang TAO kailangan natin matanggap kung anu sila. Kasi bakit ko nga naman babaguhin kung anu ako eh ako ito. Siguro may mga tao d siya gusto kasi ganun siya pero may mga bagay din na maiinspire tayo sa kanya sa lahat ng naranasan niya parang telenovela… Sa panahon na maliit pa siya panahon ng Martial law, Panahon kung saan lumalaban sila para sa demokrasya at panahon ng namatay ang bayani natin na ama niya, hanggang sa mainlove siya ng paulit ulit na nasasaktan, umiiyak, kasama tayo sa sumusubaybay sa malateleserye niyang buhay, PERO kasama din natin nakita siya BUMANGON, NAGMOVE ON, NAGING MASAYA ulit, AT Umibig ulit. Nainspired Tayo sa papaging matatag niya sa lahat ng problema, lungkot. Hindi natin alam kung panu niya yun nagawa ang bumangon ulit at naging matatag ulit. Kung tatanungin natin ang sarili natin naranasan din natin ang ma broken, malungkot, na down, Kasi nga tao tayo may emosyon.
Sakin side naman kapag down na down ako may process ako ginagawa….Unang una ko ginagawa Pumunta ako sa Simbahan mataimtim na nagdarasal sinasabi ko lahat, sama ng loob, problema, lahat ng mabibigat sa dibdib ko, at sa huli magpapasalamat ako sa PANGINOON kahit may mga problema pa ako nasasaktan ako may mga bagay pa din nagpapasaya sakin. Ang pamilya ko ang mag tao naniniwala sakin at sa Buhay na bigay niya at sa lahat ng paggabay niya sakin kahit nadadapa ako sa buhay alam ko na may solosyun siya para sakin alam ko Pagsubok lang to. Nagiging Matatag ako dhil dito, Natoto sa mga pagkakakamali or kalungkutan.
Then kapag nakapagdasal ako nararamdaman ko Gumagaan ang Pakiramdam ko nakakaisip ako ng solusyon sa Problema ko, sunod kakausapin ko ang mga tao naging bahagi ng aking buhay mga nagpapasaya sakin, sila yung mga nkakaunawa sakin, sila na makakapagbigay ng magandang payo sakin.
Then Huli kakausapin ko sarili ko san ba ako papunta…. magpapatalo ba ako sa Problema or Kalungkutan ito… Anu ba ang Solusyon ko para maging masaya para Bumangon ulit.. Kasi At the end of the Day sarili ko pa din ang tatanungin ko.. Ako din makakatulung sakin, IISipin ko mga dati ko naranasan na nakayanan ko mga POSITIVE na nagawa ko… at iisipin ko lahat ng mahal ko sa buhay kasi kapag malungkot ako madami din madadamay at malulungkot hindi lang ako. Kaya yun nalalampasan ko mga Kalungkutan at Problema. Pero alam mo naman ang buhay parang paglalakbay marami talaga pagsubok tatanungin mo lang sarili mo kung tuloy tuloy pa din ang paglalakbay mo or hihinto ka at magpapaka problema. kaya yun kapag may kalungkutan kailangan mo lang Tawagin ang Panginoon, sabihin mo lahat , at magpasalamat, Maging Open sa mga mahal sa Buhay ats a Huli maging matatag i motivate mo ang sarili mo… Hindi madali ang maging malungkot, kaya nga tao lang tayo… Pero kahit hindi madali yun maging Positive lang tayo na maging masaya ulit malalampasan natin ang mga problema..
Opinyon ko lang po ito at Pananaw ko sa buhay kung susundin ninyo ok lang po.
Salamat ulit Ms. Kris Aquino and GOD BLESS po..